Martes, Marso 20, 2018

Pagsusuri ng Tula ni Ronalyn Tolentino


Pagsusuri ng Tula


“Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon”
Pedro L. Ricarte

I. Talambuhay ng may Akda:

Si Pedro L Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, De la Salle University-Manila, Don Bosco at ibangUniversity. Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog”. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula. Naging kilala si Pedro Ricarte noong 1950-1960’s.

Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay:
·         *Boy Nicolas
·         *Siyam na Langit (1962)
·         *Samahang Siyete
·         *Aawitan kita
·         *Ala-Suwerte (1959)
·         *Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
·         *Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling istorya at nobela.

II. Uri ng Tula
           
            Sa tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon” ito ay tulang pasalaysay na kung saan dito ipinapakita o ipinapahiwating ang buhay ng isang tao at sinasabi din na malayang taludturan sapagkat ito ay porma ng tula na walang sukat at tugma.

III. Sangkap ng Tula

A. Talinhaga

Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro L. Ricarte
May bakas pa sa tubig ng mga pinitak-inani na pera
Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw- nagbibigay ng linaw
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.- isa sa mga magsasaka
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero dito na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya sa gawing silangan:- sumalyap
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.
May mga bukid na nasimulan nang tambakan,
Ang patubig ng gobyerno

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano—gagawa
Nadarama lamang niya – ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!- pagkalubos

B. Persona

            Sa tulang ito , ikatlong panauhan an ginamit na kung saan ang magsasaka ay tila may panghihinayang dahil sa ibebenta na ito ngunit sya ay isang tao na marunong umunawa sa desisiyon ng iba kahit na ang lupaing ibebenta ay lubusang napamahal na sa kanya.

C. Tugma at Sukat
           
            May iilan na tugma ang ipinahiwatig sa tula , ito ay tulad ng lupain- bungkalin na kung saan ito ay asa Ikaapat na saktanong at ito ding tula na ito ay malayang taludturan na tumatalima  sa tiyak na paksa na may mga salitang matatalinhaga at maging sa pahayag.

D. Imahen at Tono
           
            Naipapakita sa tulang ito na ang pagtanggap at pagrespeto ng magsasaka sa kung ano mang desisyon kahit nung una ay may panghihinayang siyang naramdaman dahil sa napamahal na siya sa kanyang lupain. At para sa mga dayuhan na nais nilang pagkakitaan ang nasabing lupain na lubusang nagging parte na sa buhay ng isang magsasaka at ito ay nangyayari sa kasalukuyan.






“Ang Babae sa Pagdaralita”
ni Joi Barrios

I. Talambuhay ng may Akda

            Si Joi Barrios ay si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy.

II. Uri ng Tula
            Ang uri ng tula ng “Ang Babae sa Pagdaralita” ay malayang taludturan na kung saan dito ay walang tugmang sinusunod at maging sa sukat.

III. Sangkap ng Tula

A. Talinhaga

Ang Babae sa Pagdaralita
ni Joi Barrios

Babae akong sinasakmal ng
kahirapan.
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot  ang ulupong,
itong paghihikahos,
Likhaan
sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas.
Nakatitig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae
ang pakikibaka!-pakikisama
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na
lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat
Mapagkalinga- maalaga at mapag-aruga
ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan-malalampasan
Kung ipaglalaban, na ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka, lumaban!

           
B. Persona

            Ang persona ng tula ay gumamit ng unang persona na ang isang babae na lalaban sa lahat maging sa kanyang sarili kahit sya ay nakaranas ng kahirapan.

C. Tugma at Sukat
           
Sa tulang ito mayroong iilan na salitang  may magkaparehong tunog sa hulihan subalit may kadalangan at gumamit ang tulang ito ng walang tumgma at sukat na nababatid na ito ay isang malayang taludturan.

D. Imahen
           
            Sa tulang ito ipinapakita ang kahirapan ng buhay na nararanasan ng babae na ndi siya sumuko bagkus nagging matapang at lumaban siya sa hamon ng buhay na kanyang natamasa.

E. Tono

            Sa tulang ito, ipinapahiwatig ang pagiging positibo sa buhay  na kahit babae ay kayang maging matatag at palaban.




“Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang”
Ni Frank Cimatu

I. Talambuhay ng may Akda
             
Si Frank Cimatu ay isang batikang journalist at makata. Taong 1987, nanalo siya sa isang paligsahan sa tula at nagkamit ng ikatlong gantimpala sa Galian sa Arte at Tula at nanalo din sa Pambansang pagsulat. Bukod sa pagsulat ng tula ay nagsusulat rin siya ng mga  maikling kwento na nagkamit ng gantimpala sa Philippine Free press award taong 1994.

II. Uri ng Tula
           
            Sa tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ito ay tulang may tugma at sa bawat taludtod nito ay nagbibigay ng iisang tunog.  
           
III. Sangkap ng Tula

A. Talinhaga

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Ni Frank Cimatu


x
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala’ ng
Nakabulang-nakabuladlad
Kartolinang
Nakapinta’ ng
“Pamahalaang
Swapang,- mapanlamag
Kinawawa’ ng
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang! ‘’
Nang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang- madaming raliyista
Sandaang
Hakbang
Pahalang
Habang
Nakikipilang
Makausisa’ ng Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Iilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang ,
Pinagbabatutang
Magsasakang
Nakadala’ ng
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Kinikilingang
Kumikinang
Hanggang
Walang
Itinitimbang.
Ang
Kasamang
Kabataang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang,
Nagsisigawang
“Tang
Inang…”
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang-bintang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang.
Walang
Kaganang- Ganang
Nakiangklang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang

B. Persona
     
Sa tulang ipinapakita ang pagbabagong hinihingi ng pamahalaan na kung saan nagpropesta ang mga tao sa maling paraan kaya nagkakaroon ng hindi pantay pantay na pagtrato.

C. Tugma at Sukat

 Ang tulang ito ay gumamit ng malayang taludturan kung saan walang sukat na sinusunod at may tugmaan na nagtatapos sa “ng”. halimbawa ay ang sandaang, hakbang at malakanyang.

D. Imahen

                   Ipinapakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinong matapang at malakas ang paninindigan at mga taong marahas sa pagkagalit sa pamahalaan. Ipininapahiwatig din sa tula ang pgkakaisa ng mga tao kontra sa pamamalakad ng pamahalaan.

    E. Tono
                   Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya  at galit at may kasamang poot na kung saan ay hindi pa rin matamo tamo ang pilit ipinaglalaban  at ang mga tao ay tumutuligsa sa pagbabago na kanilang gustong mithiin para sa nakakarami.