Pagsusuri ng
Tula
“Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon”
Pedro L. Ricarte
I. Talambuhay
ng may Akda:
Si Pedro L
Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata. Kasalukuyan
isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob
ngsampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga
mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, De la Salle University-Manila,
Don Bosco at ibangUniversity. Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng
Makabagong Tulang Tagalog”. Si Ricarte ay
isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na siya ay
isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula. Naging kilala si Pedro Ricarte
noong 1950-1960’s.
Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay:
· *Boy Nicolas
· *Siyam na Langit (1962)
· *Samahang Siyete
· *Aawitan kita
· *Ala-Suwerte (1959)
· *Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
· *Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling istorya at nobela.
II. Uri ng Tula
Sa tulang “Mapanglaw ang mga Ilaw sa
Calabarzon” ito ay tulang pasalaysay na kung saan dito ipinapakita o
ipinapahiwating ang buhay ng isang tao at sinasabi din na malayang taludturan
sapagkat ito ay porma ng tula na walang sukat at tugma.
III. Sangkap ng Tula
A. Talinhaga
Mapanglaw
ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro L. Ricarte
May bakas pa sa tubig ng mga pinitak-inani na pera
Ang mga huling silahis
ng nakalubog nang araw- nagbibigay ng
linaw
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.
Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.- isa sa mga magsasaka
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero dito na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.
Tumanaw siya sa gawing silangan:- sumalyap
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.
May mga bukid na nasimulan nang tambakan,
Ang patubig ng gobyerno
Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano—gagawa
Nadarama lamang niya – ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!- pagkalubos
B. Persona
Sa tulang ito , ikatlong panauhan an
ginamit na kung saan ang magsasaka ay tila may panghihinayang dahil sa ibebenta
na ito ngunit sya ay isang tao na marunong umunawa sa desisiyon ng iba kahit na
ang lupaing ibebenta ay lubusang napamahal na sa kanya.
C. Tugma at Sukat
May iilan na tugma ang
ipinahiwatig sa tula , ito ay tulad ng lupain-
bungkalin na kung saan ito ay asa Ikaapat na saktanong at ito ding tula na
ito ay malayang taludturan na tumatalima
sa tiyak na paksa na may mga salitang matatalinhaga at maging sa pahayag.
D. Imahen at Tono
Naipapakita sa tulang ito na ang
pagtanggap at pagrespeto ng magsasaka sa kung ano mang desisyon kahit nung una
ay may panghihinayang siyang naramdaman dahil sa napamahal na siya sa kanyang
lupain. At para sa mga dayuhan na nais nilang pagkakitaan ang nasabing lupain
na lubusang nagging parte na sa buhay ng isang magsasaka at ito ay nangyayari
sa kasalukuyan.
“Ang
Babae sa Pagdaralita”
ni Joi Barrios
I. Talambuhay ng may Akda
Si Joi Barrios ay si Maria Josephine
Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang
kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong
1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng
senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting
professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies
at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and
Democracy.
II. Uri ng Tula
Ang uri ng tula ng “Ang Babae sa Pagdaralita”
ay malayang taludturan na kung saan dito ay walang tugmang sinusunod at maging
sa sukat.
III. Sangkap ng Tula
A. Talinhaga
Ang Babae sa Pagdaralita
ni Joi Barrios
Babae akong
sinasakmal ng
kahirapan.
Kahirapan na
mistulang
ahas sa damuhan,
maliksi ang galaw,
nagbabadya ang
nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos,
Likhaan
sa aking katawan,
at tumatakas ang
lakas.
Nakatitig ang walang
talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na
walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng
pagdaralita.
Anong gagawin ng
babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay
Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala,
kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng
pantasya.
Nasa ating mga babae
ang pakikibaka!-pakikisama
Kung paanong sa gabi
at sa araw
ay wala tayong humpay
sa paggawa,
Kung paanong
magkasabay na
lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib
pagkat
Mapagkalinga- maalaga at mapag-aruga
ang ating pag-ibig.
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng
sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan-malalampasan
Kung ipaglalaban, na
ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong, makibaka,
lumaban!
B. Persona
Ang persona ng tula ay gumamit ng unang
persona na ang isang babae na lalaban sa lahat maging sa kanyang sarili kahit
sya ay nakaranas ng kahirapan.
C. Tugma at Sukat
Sa tulang
ito mayroong iilan na salitang may
magkaparehong tunog sa hulihan subalit may kadalangan at gumamit ang tulang ito
ng walang tumgma at sukat na nababatid na ito ay isang malayang taludturan.
D. Imahen
Sa tulang ito ipinapakita ang
kahirapan ng buhay na nararanasan ng babae na ndi siya sumuko bagkus nagging matapang
at lumaban siya sa hamon ng buhay na kanyang natamasa.
E. Tono
Sa tulang ito, ipinapahiwatig ang
pagiging positibo sa buhay na kahit babae
ay kayang maging matatag at palaban.
“Sandaang Hakbang Papuntang
Malakanyang”
Ni Frank Cimatu
I. Talambuhay ng may Akda
Si Frank Cimatu ay isang batikang
journalist at makata. Taong 1987, nanalo siya sa isang paligsahan sa tula at
nagkamit ng ikatlong gantimpala sa Galian sa Arte at Tula at nanalo din sa
Pambansang pagsulat. Bukod sa pagsulat ng tula ay nagsusulat rin siya ng
mga maikling kwento na nagkamit ng gantimpala sa Philippine Free
press award taong 1994.
II. Uri ng Tula
Sa tulang “Sandaang Hakbang Papuntang
Malakanyang” ito ay tulang may tugma at sa bawat taludtod nito ay nagbibigay ng iisang tunog.
III. Sangkap ng Tula
A. Talinhaga
Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Ni Frank
Cimatu
x
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala’ ng
Nakabulang-nakabuladlad
Kartolinang
Nakapinta’ ng
“Pamahalaang
Swapang,- mapanlamag
Kinawawa’ ng
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang! ‘’
Nang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang- madaming raliyista
Sandaang
Hakbang
Pahalang
Habang
Nakikipilang
Makausisa’ ng Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Iilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang ,
Pinagbabatutang
Magsasakang
Nakadala’ ng
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Kinikilingang
Kumikinang
Hanggang
Walang
Itinitimbang.
Ang
Kasamang
Kabataang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang,
Nagsisigawang
“Tang
Inang…”
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang-bintang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang.
Walang
Kaganang- Ganang
Nakiangklang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang
B. Persona
Sa tulang ipinapakita ang pagbabagong hinihingi ng
pamahalaan na kung saan nagpropesta ang mga tao sa maling paraan kaya
nagkakaroon ng hindi pantay pantay na pagtrato.
C. Tugma at Sukat
Ang tulang ito ay gumamit ng malayang
taludturan kung saan walang sukat na sinusunod at may tugmaan na nagtatapos sa
“ng”. halimbawa ay ang sandaang, hakbang at malakanyang.
D. Imahen
Ipinapakita ng tulang
ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinong matapang at malakas ang
paninindigan at mga taong marahas sa pagkagalit sa pamahalaan. Ipininapahiwatig
din sa tula ang pgkakaisa ng mga tao kontra sa pamamalakad ng pamahalaan.
E. Tono
Ang tulang ito ay may
tono ng pagkadismaya at galit at may
kasamang poot na kung saan ay hindi pa rin matamo tamo ang pilit ipinaglalaban at ang mga tao ay tumutuligsa sa pagbabago na
kanilang gustong mithiin para sa nakakarami.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento